nainip ako kanina. pano ba naman apat na oras akong nakaupo habang naghihintay sa maghahandle sa akin. alas tres na nang matapos masetup ang computer na ipapagamit sa akin. malungkot ang nagoojt na walang kasamang kakilala o kakalase o kaojt. nakakabagot ang walang makausap at nakaupo sa isang tabi na parang tanga. ang ginawa ko na lang e nagtext (at nagsayang ng load) ng walang kakwenta kwenta para lang may magawa ako. mga alas dos y medya pa yata ako hindi nakapagsalita at ang nakipagusap pa sa akin ay isang mestizang applicante. nag-aapply siya for international marketing representative (na sa tingin nya ay pinagandang term para sa call center). astig sya taga university of asia and the pacific at kaiintern pa lang sa cnn. well dahil hindi ako masyadong madaldal sa ibang applicante na siya nakipagusap. buti na lang mag-aalas tres na e itinuro na ako sa aking pagtatrabahuhan.
ang pinagawa sa kin e pag-eedit ng website ng isang kumpanya na nag-iba ng pangalan. yung pag-edit lang naman ng laman ayos lang pero ang pagawin ako ng logo na wala man lang specifications na kung ano gusto nila ang mahirap. bale ang nangyari nag-ala sais na wala akong natapos. kakafrustrate nga e, first task ko yun di ko man lang natapos. at sinabi ko pang ngayon ko matatapos...
natawa nga pala ako kanina sa horoscope ko sa libre. sabi ba naman, "huwag mataranta magiging ok ang lahat". actually ang nakakatawa e yung kay ludwick. sabi ba naman "tagal tagumpay, pero sweet ito pag dumating", at "kuminsan, dapat ring itikom ang bibig". nakarelate kami actually. pano ba naman 2 weeks ko na kasama sina ludwick at belmond sa paghahanap ng trabaho/ojt. at no luck for ludwick grabe pag iniinterview di na sya tinatanggap hehe. pano kung minsan tuloy tuloy ang dila namamrangka ba naman. haha. naalala ko yung sinabi niya sa tanong na "why did you choose our company?" sabi ba naman ng bruha, "kasi maliit lang kumpanya na to... so wala pa masyado nag-aapply for ojt dito". bilib talaga ako at nasabi niya yun. pero yun nga lang ang dahilan kung bakit ang tagal tagal makahanap ng bruha ng ojt hehe.
Monday is the best day to start the week.
About Me
modules
adventure
(4)
apartment
(3)
bohol
(4)
bus
(2)
corregidor
(1)
davao
(2)
japanese
(2)
movie
(2)
neil gaiman
(1)
ocean adventure
(1)
philippines
(8)
singapore
(6)
subic
(2)
text twist
(1)
travel
(13)
trip
(1)
watchathon
(2)
No comments:
Post a Comment