pag monday at wednesday trapik. malalate ako ng mga 10 minuto sa biyahe. salamat na lang sa mrt at talagang mabilis ang biyahe kahit trapik. mga 2 mins per station ang biyahe and since ang ortigas ay pampitong stasyon mula taft (o pangwalo kung isasama ang taft sa bilang) e mga 15 mins lang ang biyahe na kung tutuuisin ay aabutin ng mahigit isang oras kung magbubus ako.
pero hindi ok kung tataas ng 10 pesos ang mrt fare. no way.
yung bagong komersyal ng maggi na may batang lalaking kumakanta kahit simple lang e napansin ng karamihan sa pasahero ng bus na sinasakyan ko. ang galing talaga nung boses niya maganda sa pandinig. pagkatapos nga nung komersyal na yun biglang wala na silang pake.
may gusto akong bilin na libro iyong nakita ko sa powerbooks. all about me ni philipp keel. gusto ko lang nung mga tanung dun. tingnan ko kung pati sa sarili ko e makapagopen up ako through that q n a na libro. kaso 560+ ata presyo mahal. matinding investment to. pero i think it's worth it.
nasa powerbooks nga pala ako kaninang ala sais ng 2 oras. inabot ako ng alas otso kakahintay kay belmond. may interview nanaman kasi sa ambergris aba at inabot ng ganun katagal. buti na lang may free photoshop tutorial session sa powerbooks courtesy of informatics kaya hindi ako nainip. basically simple lang yung mga free tuts nila, pero mapapakinabangan. they didn't give everything away siempre pinopromote din nila ang offered nilang klase sa kanilang institusyon.
maganda rin nga pala ang sandosenang sapatos ni luis gatmaitan. kahit children's book yun ang ganda talaga nung ending naapektohan ako kahit papano. ang galing si kuya bodjie pala ng batibot ang naginspire sa writer sa ending niyon. buti na lang free read sa powerbooks, 10 mins lang tapos ko na yung libro.
walang bago sa ginagawa ko sa ojt ko kanina... yung flash website nanaman iedit ko... kakatamad. tama yung sinasabi nung nagpapagawa [at nagpapaturo] ng flash saken. pag paulit-ulit mong ginagawa ang isang bagay nakakainip na kaya nga sabi ko sa kanya turuan nya ako ng networking hehe.
thursday nanaman at may kausap ako sa workplace mamaya, salamat naman. sana kahit mwf ganun din. kaso di ko talaga mapakisamahan yung mga ojt pag mwf kasi established na ang circle nila. para akong pilipinong ipagpipilitan ang aking sarili sa mga dayuhan. pero sa totoo lang nasa akin ang problema kasi talagang di ako gumagawa ng paraan para makilala sila.
sabi nga pala nung nag-uutos sa akin sa ojt ko e first impression niya sa picture ko sa resume ko e suplada ako. nanlilisik kasi mata nun saka seryoso. hindi lang talaga ako ngumingiti. at oo i admit may pagkasuplada ako, pero sa totoo lang mailap lang talaga ako sa tao. approachable naman ako kahit papano pero i don't do the approaching...
Monday is the best day to start the week.
About Me
modules
adventure
(4)
apartment
(3)
bohol
(4)
bus
(2)
corregidor
(1)
davao
(2)
japanese
(2)
movie
(2)
neil gaiman
(1)
ocean adventure
(1)
philippines
(8)
singapore
(6)
subic
(2)
text twist
(1)
travel
(13)
trip
(1)
watchathon
(2)
No comments:
Post a Comment