pag naglolog pala bibilangin mo lang ang digits at babawasan mo ng isa at iyon ang magiging sagot sa ones place tapos ang unang digit ay dadagdagan ng dalawa at ilalagay sa tenths place. kalimitan ganito pero may special cases. tulad na lang pag 2 ang unang digit dapat 3 pataas ang sumunod bago magdagdag ng dalawa, 3 pababa ang sumunod isa lang ang idadagdag sa digit na ilalagay sa tenths place.
halimbawa:
log 550 = 2.740.... (sa calculator)
pag imemental mo, simple lang ang magiging sagot:
log 550 = 2.7
1.) 3 digits ang 550
2.) 3 - 1 = 2 kaya ilagay ito sa ones place
3.) 5 ang unang digit ng 550; 5 + 2 = 7
4.) ilagay sa tenths place ang 7, so magiging final answer e 2.7
halimbawa ng may example case:
log 210 = 2.3
ang galing di ba? hehe.
pagkatapos namin makuha ito, nagutom na sila dahil hindi pa pala sila naglulunch kaya tumuloy kami sa glorietta para kumain sa food choices. kinain ko nanaman ang walang kasawasawang almon marina pero iba na ang pasta. seafood vongole, pronounced with a thwang (vongo*lay), lol. kaso mas masarap ang dati kong tinitikman na shrimp and garlic.
pagkatapos ng late lunch at early dinner (linner?), tumambay kami sa greenbelt at magpapalipas ng oras hanggang alas-otso raw. bago kami tuluyan umalis itong si jojo ay humirit ng kaunting katuwaan. nakapabilog kami at maaassign ang bawat isa sa alphabet at iisipan mo ng kung related word/phrase according sa topic. computer at places ang mga naging topic. matapos nun umuwi na rin sa wakas at mga alas-nuwebe na.
No comments:
Post a Comment