Monday is the best day to start the week.

modules

Tuesday, August 23, 2005

kakarating ko lang kaloka may balak ako mag-ot para tiba tiba pero hindi ganito kalate kasi natapos ko naman kaagad ang dapat tapusin. napasarap lang ang pagsaglit sa opisina dahil sa tv at internet. at nakatalikod kami habang 'nanonood' ng encantadia/kampanerang kuba.

hindi nanaman namin naabutan ang 9:30 shuttle kaya kumain muna saglit sa kenny at buti na lang naabutan pa namin ang 10:15 shuttle. punuan ang cubao pero nag-iisa ako sa shuttle papuntang ayala. nagbibiro ba naman si manong na wag daw ako matakot sabi ko naman hindi no saka pwede naman ako tumalon sa bintana hehe. at siempre tanungin ba ako kung baket hindi ako sinundo ng 'boyfriend' ko at ang sabi ko ay masyado na kasi gabi. sa isip isip ko si manong talaga kunwari pa hehe biro lang, magfeeling e ano.

bukas isa nanamang araw ng pag-aayos ng bugs hindi ko kasi masyado inatupag ito nung nakaraang linggo nawilly kasi ako habang wala ang tl. para sa ken mas exciting mamakyaw ng bugs at madaliing ayusin kesa sundan ang schedule na routinary --- bleeeeah.

No comments: