Iniukol ko ang buong araw para matapos ang pre-employment requirements ko. Napakahabang araw ito, talaga.
Pumunta muna akong Alabang para maasikaso ang SSS. Nakarating ako ng 10 AM at napakahaba talaga ng pila sa desk 3. Pagkatapos ng isang oras, ako na ang susunod pero yung babae sa desk 3 sinabi na maghintay na lang kami ng isang oras pa. 11 pala breaktime nila, malas naman o. Ò_Ó
Dapat walang break break dahil madaming tao ang kailangan asikasuhin. Dapat may shift sa mga empleyado na magtatakeover sa desk pag lunch time na nung isa. Pano yung mga hindi pa naglulunch? Pano yung mga tao sa dulo na baka pabalikin na lang bukas dahil inabutan na sila ng katapusan ng office hours?
Itong nanay ko bumalik pa ng bahay para kunin ang original birth certificate ko, kahit sabi ko 'wag na. Nakaupo na ako sa sahig ng makita ko na nakatingin sa akin si Ate Marina na kasama si Cora.
Matapos ang isang oras at sampung minuto, nakuha ko na rin ang SSS number ko. Pero naghintay nanaman ako ng isang oras para sa nanay ko. Mag-aala-una na at dumeretso na kami ng munisipyo. Buti na lang sandali lang ang sedula at police clearance. At nalaman ko na lang kay Cora na may pwede rin kumuha ng NBI clearance sa munisipyo. Buti na lang naabutan ko final receipt nila kundi ipagpapabukas nanaman ito o kaya sa Recto ako pupunta. Yun nga lang after 7 days pa makukuha. Ang daming kelangan bayaran, ultimo tissue paper na may tubig para panlinis ng mga daliri matapos magrasahan pinabayaran sa akin e may tissue naman ako sa bulsa!
Nang matapos namin lahat nakapaglunch na rin ako ng alas-kwatro sa Greenwich. Sa dami na ng nakain kong pizza ayaw ko na ang lasa ng pizza nila. Masarap pa homemade pizza, o yung pizza sa kanto ng village namin, kahit yung tustadong pan de sal na may ketsup at keso. ^_^;
Pag dating sa bahay natulog ako sa pagod.
Monday is the best day to start the week.
About Me
modules
adventure
(4)
apartment
(3)
bohol
(4)
bus
(2)
corregidor
(1)
davao
(2)
japanese
(2)
movie
(2)
neil gaiman
(1)
ocean adventure
(1)
philippines
(8)
singapore
(6)
subic
(2)
text twist
(1)
travel
(13)
trip
(1)
watchathon
(2)
Blog Archive
-
▼
2005
(163)
-
▼
January
(19)
- Buds' night out and joyride
- We were riding a shuttle to Glorietta when Cora sa...
- I was sitting beside the driver in a jeepney when ...
- Sitting Duck
- *sneezes* Sorry, I'm allergic to bullshit. - Will ...
- Benefit
- Growing old is mandatory; growing up is optional. ...
- naiinip nanaman ako dahil wala nanamang ginagawa. ...
- I got a 120 GB HD 50% off thanks to Womfoo. hohoho...
- No title
- 勉強
- Last night, the usual regular meeting with Pro, Co...
- 勉強
- Tomorrow.... Welcome to the real world. Goodluck...
- Queer Eye for the Strange Girl
- Day Off
- Phuket, Thailand
- Sa BSP
- pardon
-
▼
January
(19)
No comments:
Post a Comment