Monday is the best day to start the week.

modules

Thursday, February 03, 2005

Pasahero ng Bus - II

Hindi ko akalain na magpopost ako kaagad tungkol nanaman sa kakaibang pasahero. Kagabi nasa ordinary bus (nagtitipid, baket?) kami ni Cora papuntang Baclaran ng may biglang nagagalit na bading sa likod. Sa una wala akong pakialam pero parang lumalala yung galit niya sa kausap niya. Sa tingin ko, may kausap yung bading sa cellphone niya at nagbreak sila kaya siya nagagalit. Maya-maya biglang naghuramentado at nagdabog ang bading. Nagtinginan na ang mga pasahero pati ako sa likod. Aba, wala palang kausap ang bading kundi ang hangin. Sa kainipan, lumipat pa siya ng upuan na malapit lapit sa amin. Hindi ko na halos mapigilan ang tumawa, hindi dahil baliw siya kundi may maiboblog nanaman ako tungko sa pasahero.

Sa tingin ni Cora may epekto ang malakas na hangin sa pagka-inip na nagresulta sa pag-atake ng kabaliwan niya.

No comments: