Monday is the best day to start the week.

modules

Thursday, November 18, 2004

Coincidence? Coincidence.

Hindi naman sa naniniwala ako sa mga kababalaghan o kung ano pero nakakatuwa talaga ang mga coincidences sa buhay at mapagkakamalan mong totoong may malas at swerte sa pagjojobhunt mo.

Kapag lagi kong kasama si Ludwick, minamalas ako lagi na lang rejected o bagsak pero siya naman ang sinuswerte. Kapag si Shen naman ang kasama ko, nakakapasa ako at ako naman ang malas sa kanya.

Maraming sitwasyon na nagdaan na nagpapatibay na malas si Ludwick (pero ako ang swerte sa kanya) at swerte si Shen (pero ako ang malas sa kanya) sa paghahanap ko ng trabaho. Ang nakakatuwa e kapag kasama ko ang dalawa 50-50 ang swerte ko.

Tulad na lang ng noong may interview ako sa XXX company, nakita ko si Shen bago ang interview ko doon. Pero pagkatapos si Ludwick ang kasama ko. Ang nangyari reconsideration -- na-second interview ako! E kaso nung pangalawang interview ko si Ludwick lang ang kasama ko kaya tigbak ang beauty ko at ako ay rejected!

Ang isang sitwasyon naman e nung kasama ko si Shen sa YYY company, wala si Ludwick no'n. Pasado ako at considered na matanggap.

Kanina nasa job fair ako sa Mapua dahil may usapan kami nila Shen, nandoon si Ludwick. Aba, nalaman ko na lang na tumawag ang YYY company nang nakatanggap ako ng Globe Callback alert. Tumawag nga pero di ko naman nakausap. 50-50 talaga. Ang masamang pwersa kasi ni Ludwick ay nasa paligid nung panahong iyon. *tawa*

Nang nahiwalay kami kila Ludwick at si Shen lang ang kasama ko, tumawag ang nanay ko. Ayon confirmed na tumawag nga ang YYY company at may screening ako bukas.

Hindi ako lukaret na nagpapaniwala at umaasa sa ganitong pagkakataon, pero nakatuwa lang talaga ang mga coincidences na ganito (at kung may horoscope akong nababasa na nagkakatotoo *tawa*), yun lang.

No offense Ludwick hahaha.

edited

No comments: