Nung nakaraang Miyerkules, Nov 3, interview ni Ludwick sa isang kumpanya. Hindi niya sinipot sa oras ang interview dahil isang oras siyang nahuli. Ang nangyari ay tatawagan na lang siya para ireschedule. Ibinigay na lang niya yung transcript niya na nung Nov 2 pa ipinapabigay. Strike 2 ang bruha.
Nag Glorietta na lang kami, kasama ko rin si Jenny dahil galing kami sa isa pang kumpanya. Nakipagkita kami kay Belmond at kumain na lang doon. Naglibot at nagwindow shopping nang matagal. Walang kapaguran ang dalawa kong kasama. Nag inarte ang bruha at gusto pumunta ng Filinvest para magpagupit sa Bench Fix doon mabaho raw kasi ang Bench Fix sa G4 at puno ng customer.
Dumaan muna kami sa Mapua para kunin ang transcript ko. Nang papunta kami doon nakatanggap ako ng tawag. 2nd interview, shet, mabuti pang bumagsak 'wag lang ma-interview uli. Pinapadala na rin ang transcript ko sa interview day na dapat kinabukasan kaso hindi ako pumayag dahil pupunta ako sa Sun Tech Days. Nasira nga araw ko non e.
Pagkatapos makuha ang aking transcript pumunta kami ng Filinvest. Habang hinihintay si Belmond, nagpa-uso itong si Ludwick. May riles sa loob ng Filinvest na daanan ng tren na sinasakyan ng mga bata. Tumayo siya sa riles (di niya maiangat ang kanyang mga paa dahil nakatayo!) , humawak sa asul na platform sa tabi at nagwish. Ginaya ko nga kaso sandali lang dahil marami nang tumititig na tao.
Ilang oras ang lumipas at nasa ATC na kami at pauwi na dapat nang nakatanggap siya ng tawag. Alas-nuwebe y medya tumawag yung kumpanya. Hindi reschedule ng interview kundi job offer agad! Hindi rin siya pumayag na sa Nov 4 at Nov 5 ang appointment, kahit Nov 6 na Sabado kasi may Cisco class siya. Sa Lunes din siya tulad ko. Nagulat at natuwa kami nila Belmond di namin sukat akalain na majojob-offer ang gaga dahil naka-ilang strike na ba siya! Di na nga rin niya inaaasahan na tawagan pa siya for reschedule dahil din doon. At kung tutuusin, wala talaga siyang initial interview at ganoon ang nangyari.
Ang mga naiisip naming nangyari ay ang kanyang transcript ang naging basehan kaya siya tanggap agad.
Ang hiniling pala niya sa riles: "makapasa sa kumpanya" at hindi "makapasa sa interview."
Monday is the best day to start the week.
About Me
modules
adventure
(4)
apartment
(3)
bohol
(4)
bus
(2)
corregidor
(1)
davao
(2)
japanese
(2)
movie
(2)
neil gaiman
(1)
ocean adventure
(1)
philippines
(8)
singapore
(6)
subic
(2)
text twist
(1)
travel
(13)
trip
(1)
watchathon
(2)
Blog Archive
-
▼
2004
(73)
-
▼
November
(19)
- National Treasure
- Roan's Party
- Ngarag
- Orientation
- Screening
- Indirect Order
- Coincidence? Coincidence.
- Game of the Generals
- walang kwenta
- The Incredibles
- I am being considered for a job in a company I app...
- More on hidden meanings of names
- What's in a name?
- No.
- Second Interview
- New blog title
- Riles ng Tren II
- Sun Tech Days in Manila
- Riles ng Tren
-
▼
November
(19)
No comments:
Post a Comment